Tag-Archive for ◊ Saranggola Blog Awards ◊

Salamat sa Saranggola
Monday, December 20th, 2010 | Author:

Unang una sa lahat maraming salamat kay Bernard, salamat dahil nagkaroon kaming mga bloggers ng pagkakataon na magkasama sama.. ngayon, mas naunawaan ko na ang tunay na layunin at adhikain ng saranggola blog awards at siguradong sa mga susunod pang taon patuloy akong makikibahagi at susuporta dito..

Sa mga sumusunod na bloggers, maraming salamat!

BatangMangyan - ang kasama ko sa converse sale sa megatradehall bago pumunta sa illumina tower..  guide ko palagi pag nasa manila ako!

Tsiremo and Kurog(Allan) - salamat sa Bob Ong book! unexpected yan., kaya kahit wala si Tsi hindi ko na aasarin(nakabawi ka na). Artistahin tong si Kurog!

Yanah- sa gift mong another bob ong book! =) totoo at tama ang research mo isa si bob ong sa pinagsimulan kong inspirasyon sa blogging

Shea- sa kakulitan mo! salamat sa adik-thoughts natin mula illumina gang madison =)

Meliza - ang tahimik mo nga nung gabi pareho kayo ni allan. pero kahit ganun pa man, sabi nga namin blooming ka nun! naks! nakapag handa ka talaga sa okasyon, dapat ikaw ang face of the night! 

Salbe- sa masayang event sa mga kakaibang pauso mo pagdating sa question and answer! =)

Essy and Vaj - parang bagay kayo! diba talaga pedeng itry?!^^ si vaj sa blog lang pala nakakatakot parang ang tali talino, pero sa personal friendly pala talaga at nakikipag usap din sa mga ordinaryong tulad namin.. pero ung pierce ni essy para talagang ok yun balitaan moko pag may naka experience na ha! hehe

Kikilabotz(Marvin) and Goyo- bakit ang tatangkad nyo! star margarine lag bayan?! hehe!

JasonHamster! -wooo nakalimutan kong mag pa pirma pala ng authograph! salamat sa pagpunta kahit palagi kang mukhang manununtok hehe ** ang tapang!

Otep, Arvin, Madz, Zyra and the Ex and present - salamat dahil nakilala kona kayo! =) added sa mga kaibigan

Anton - salamat sa mga shots! ^^ fan ako ng pusangkalye.net kaya masaya at nakasama ka namin! more pictures!!

Perstaym - secret padin ba talaga ang new blog mo?

Lei- and student nurse na malakas ang kiliti pag bubulong na si essy! hehe! salamats!

Ro Anne - ang star ng gabi! ang daming fans =) salamat sa pagiging game sa mga kalokohan lalo na sa madison!

Sa mga hindi kona nabanggit na pangalan, MARAMING SALAMAT sa Lahat! at saka pala sa DMCI Homes at sa mga kasama ni Bernard! ^^ at sa sponsors ni Blue at sa masasarap na pagkain!

MERRY CHRISTMAS  to all!!!

 

 

Number of View :3728
Category: Personal  | Tags:  | 36 Comments
Kamusta na kaya ang Dueg?
Sunday, September 26th, 2010 | Author:

Dueg, Tarlac – napakalayo, mabundok, magubat, ngunit mala-paraisong lugar na minsan ay naging bahagi at nagbigay ng makabuluhan at masayang karanasan sa buhay ko.  Masarap alalahanin ang bawat minuto na inilagi ko sa lugar na ‘yon, matagal na panahon man ang lumipas, mananatili 'yon bilang isang “astig” na alaala.

High school ako noon, bakasyon, at dahil sa makulit talaga napapayag ko yung ate ko na isama sa kanyang trabaho, community development officer sya nuon at madalas magkwento ng mga tungkol sa trabaho, Isang social worker... espesyal ang trabahong yan para sa akin, sobrang taas ng pagtangi ko, dahil narin siguro sa mga nakikita kong magagandang naitutulong sa mga tao.. sa mga karaniwang tao. Madalas maikwento na mahirap at isang napakalaking hamon ang kanyang trabaho ngunit sa kabila naman non ay talagang masaya at napatunayan ko nga 'yon sa aking pagsama.

Ang tagal ng byahe, halos buong araw yata kami sa daan, sakay ng dumptruck kasama ang ilan pang community workers. rough road, kaliwa’t kanang bangin, magubat at parang walang katapusang makikipot na daan ang nakikita ko. Pero malamig naman ang hangin at sigurado akong sariwang hangin ‘yon.  May mga pangilan ngilang ibon sa daan at mga hindi karaniwang klase, parang naisip ko agad mag-uwi at gawing pet =) pero may kasama kaming taga DENR kaya malabo yung naisip ko, maliban nalang kung magiging kaibigan ko ang isa sa kanila.  Magubat, ibat-ibang klase ng puno’t halaman na noon ko lang nakita, makukulay at parang masisiglang lahat na malayang gumagalaw sa ihip ng sariwang hangin. more...

Number of View :3251