lahat tayo may choice kung ano gusto nating gawin sa buhay. kung ano ang gusto nating maging.. tayo. naisip ko lang, hindi pala ganun ka simple 'yon at hindi natin yun pwedeng gawin ng mag isa. we need people that will continuously guide and inspire us. may mga taong patuloy na nag aalala, nag iisip at naghihintay sa mga bagay at pangyayari sa ating buhay. we cannot just simply ignore them. at balikan na lamang sa oras na kailangan at gustuhin natin. hindi ganyan ang tamang buhay-artista! umayos ka bon. nyahaha! ^^
muntik ng kalawangin ang mga bakal dito sa riles ng tren ^^. eto nagbabalik na ako. mahigit isang buwan buhat ng balutin ako ng lamig ng disyerto. oo malamig dito pero hindi ko parin pwedeng ipagmalaki ang 2degree celcius namin kumpara sa mga bansang nakakaranas ngayon ng yelo. kasabay ng paglamig ng panahon at pagkalusaw ng mga popsicle sa antartika (ang arte!) naging yelo din ang mga kuneho cells ko. kaya ipagpaumanhin nyo at hindi gumana ang aking imahinasyon sa mga nakaraang araw at buwan. hindi naman ibig sabihin nun iniwanan ko na ang mundong 'to. hinding hindi ko iiwan ang pag aartista ba blog. pramis ^^
****
Bons
Som pipol promis 4ever, bt cudnt stay a minute. Som pipol say deyd be der, bt dey ddnt care. Der r those who say dey’d stay 4 a while, but never never left
Number of View :881


Recent Comments