Official Entry to the 2nd Annual Pinoy Expats/OFW Blog Awards
***
SALUDO AKO SA 'YO!
two years and 3 months na pala ako dito sa saudi. ang bilis! nakapagbakasyon nadin ako ng dalawang beses. masarap talagang umuwi lalo na pag first time, nandun yung kasabikan sa mga mahal mo sa buhay!
‘di naman talaga biro ang mag abroad at wala din namang nagsabing madali ito, naalala ko pa yung unang text ni basti ‘tol may hiring kami dito, email mo sakin resume mo.. nasa side strip kami non medyo gabi na sa pilipinas kasi naman 5 hours ang time difference, sa kagustuhang kong malinawan yung mga details tawag ako agad kahit overseas yon, yun pa yata ang unang beses kong nag call sa kanya sa saudi.
kinabukasan, ayos agad ako ng resume ko update at scan ng mga iba pang kailangan at send.. marami pangyayari at hindi rin naman naging mabilis at madali ang pag ayos at paghintay.. hanggang sa na approved at makarating na nga ako dito. welcome kingdom of saudi arabia.
hindi ko din naisip na sa dami ng bansa dito ako mapupunta. pero pamilyar na sa akin ang bansang ‘to sa loob ng labing dalawang taon. 6 years old palang yata ako nung magpunta ‘yung tatay ko dito. ang layo ng saudi nun, sobrang layo dahil sa kalayuan isang beses lang sa loob ng dalawang taon namin sya pwedeng makasama. wala yata akong matandaan na nabuo ang pamilya namin tuwing pasko, palaging may kulang, palaging may bakanteng upuan. nakita ko na yata ang lahat ng klaseng pagsasakripisyo ng nanay para mapunan ang lahat ng pangungulila naming magkakapatid sa isang amang nasa ibang bansa.
hindi ko padin dati maintindihan ‘nun bakit ba kasi kailangan pang ganun pwede naman hindi mag abroad, pwede namang sa pilipinas lang. pero uso kasi yata nun ‘yon marami din naman akong mga kaibigan at ka klase noon na nasa abroad din ang mga tatay nila..
‘diko makalimutan yung isang christmas card “for my terrific son” , isa na yata yun sa pinakamagandang card na natanggap ko galing sa tatay ko.. masarap kasi talaga yung pakiramdam na proud sayo yung magulang mo.. kaloko ko nga nun parang hindi ko lang iniintindi yung mga kwento nya sakin dati kung ano hitsura dito sa saudi.. ngayon alam na alam ko na..
I missed those days, your stories, the miles you drove, the adventures you took.. i never imagined nor even expected that I will be here, almost in the same place where you used to work..
minsan gusto ko magkwento, gusto kong makipagbidahan sayo kasi yung mga nakikita ko sa pictures mo dati, ngayon napupuntahan ko nadin, yung mga streets at stores na dinadaanan mo…
ayoko naman talaga dating mag abroad, kasi hindi ko din naman pinangarap na umalis ng pilipinas. kontento nadin kasi ako kung anong meron.. pero dumarating ang pagkakataon at oportunidad na kailangan nating kuhanin at subukan. eto na, bon jr. sa saudi. sayang nga lang talaga at hindi kami nag abot ng tatay ko dito. edi sana dalawa kaming blogger ngayon. taragis!
sa pagpunta ko dito, isa lang ang napatunayan at naunawaan ko ; hindi biro ang sakripisyong ginagawa ng mga taong lumalayo sa pamilya upang magtrabaho alang alang sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.
saludo ako sa ’yo Bon Sr.
**ILOVEMYDAD
Bonifacio F. Talampas, Jr.
Dammam, Kingdom of Saudi Arabia
"TOP 8" -2nd Annual Pinoy Expats/OFW Blog Awards
Dad, para sa pangalan natin!
Number of View :3801


the father of the man of steel --astig! saludo naman ako sa 'yo Bon Jr.
mahalin natin ang ating mga magulang :)
We salute you bonski!!! - wordpressers
..same place, different time.
at namiss ko lalo si Tatay..
i like this post..binasa ko ulet.. add kita ha.
ang ganda nito. ang ganda. dahil papa ko din isang dakilang ofw. sana dumating din yung panahon na lahat ng bansang napuntahan ng papa ko, mapuntahan ko din. at ipagmayabang din na, pa dito na me, wer na you... hakhak!
Syempre, saludo din ako kay G. Bonifacio A. Talampas, Sr.
bow ako sa mga expats!!! bow!
Amen to that! Para kay KAP!
congrats Bon! and i know sobrang proud ang daddy mo sa 'yo! God bless him... and may God bless you more blessings that you deserve...
congrats po. galing. :)
uhm, gusto ko lang sabihin na naaliw ako ng todo sa tags na gumagalaw galaw sa widgets mo, siguro mga 5 mins ko siyang pinaglaruan, hover lang ng hover, hehe. kaaliw. :)
nice site, btw. :)
Congrats po! nakakarelate din po ako sa inyo on this part, my dad passed away 2001 when i was in college. my younger bro at the age of 23 died last september when i was in here already.
things has its own reason, why they happen. and I know that your Dad served his purpose and i know He is proud of you!
Be blessed!
touching... keep it up tol!
Touching....keep it up tol!
Ayun o, sa taas ginaya ko lamang.
Sundan ang yapak ni Itay.
Sundan ang buwan, ang araw, ang buhangin ang sikat ng araw sa Saudi.
Sundan ang pangarap ni Itay.
At sa bawat pananabik mo sa iyong ama ay nalaman mong mahirap ngang makipagsapalaran sa desyerto.
Kaya naman ikinararangal kita ng labis.
SA LAHAT PO NG NAG BASA AT NAG COMMENT, Maraming maraming salamat po!!
very touching! congrats bon! medyo late na ang pagbati. hehe. pacencia na bihira na makapag blog hop eh. hayz.. tambak ang trabaho sa ofis. ingatz :) Godbless.
woaw.... muntik n akong maluha. ganda, s katunayan right after reading this, tnxt ko agad erfat ko n nsa riyadh. keep up the good work sir. successful kn pero still, i wish u more success in life. mashaallah.
Sobrang mapuso ang blog post mo na ito Bon. You deserve the award.
Libo-libong (o milyon na ba?) na mga OFW ang nakaka relate sa storya mo. Ako man hindi ko ine expect na magta trabaho sa abroad kasi maganda na rin ang trabaho ko sa atin. Ironic kasi sa pamilya namin ako ang unang nag abroad at hindi naman hiniling ng magulang ko pero gaya ng sabi mo may mas magandang opportunity na dumating at kailangang subukan. I'm sure your dad is looking at you every time you visit familiar places in Saudi. Good luck!
an sweet!ü
Bakit nga ba ini-ignore natin yung mga ganong bagay. Marami din samin pasko na hindi kasama ang tatay at parang wala lang nuon. Ngayon nauunawaan ko ang sakripisyo ng magulang ko sa paglayo dahil para sa amin iyun. At naiisip ko ganon din ako ngayon hinahanap hanap ako ng kid ko at bakit wala ako sa first day of school nia. nakakalungkot pero kelangan magtiis. Bon pag-uwi ko yayakapin ko daddy ko at sasabihin ko na mahal na mahal ko siya.
--
Bons: naks! salamat yus!! uwian na?! hihi
Para kay lolo Kap ito. Kasama mo ako sa pagpupugay para sa kanya.
--
Bons: tagay na! haha
congrats tol ang galing sana may award din ako
Congrats! I am feeling emotional about this post-makes me cry.
--
Bons: thanks dude!