Dueg, Tarlac – napakalayo, mabundok, magubat, ngunit mala-paraisong lugar na minsan ay naging bahagi at nagbigay ng makabuluhan at masayang karanasan sa buhay ko. Masarap alalahanin ang bawat minuto na inilagi ko sa lugar na ‘yon, matagal na panahon man ang lumipas, mananatili 'yon bilang isang “astig” na alaala.
High school ako noon, bakasyon, at dahil sa makulit talaga napapayag ko yung ate ko na isama sa kanyang trabaho, community development officer sya nuon at madalas magkwento ng mga tungkol sa trabaho, Isang social worker... espesyal ang trabahong yan para sa akin, sobrang taas ng pagtangi ko, dahil narin siguro sa mga nakikita kong magagandang naitutulong sa mga tao.. sa mga karaniwang tao. Madalas maikwento na mahirap at isang napakalaking hamon ang kanyang trabaho ngunit sa kabila naman non ay talagang masaya at napatunayan ko nga 'yon sa aking pagsama.
Ang tagal ng byahe, halos buong araw yata kami sa daan, sakay ng dumptruck kasama ang ilan pang community workers. rough road, kaliwa’t kanang bangin, magubat at parang walang katapusang makikipot na daan ang nakikita ko. Pero malamig naman ang hangin at sigurado akong sariwang hangin ‘yon. May mga pangilan ngilang ibon sa daan at mga hindi karaniwang klase, parang naisip ko agad mag-uwi at gawing pet =) pero may kasama kaming taga DENR kaya malabo yung naisip ko, maliban nalang kung magiging kaibigan ko ang isa sa kanila. Magubat, ibat-ibang klase ng puno’t halaman na noon ko lang nakita, makukulay at parang masisiglang lahat na malayang gumagalaw sa ihip ng sariwang hangin. more...
Number of View :2628





Recent Comments