34

Kamusta na kaya ang Dueg?

Dueg, Tarlac – napakalayo, mabundok, magubat, ngunit mala-paraisong lugar na minsan ay naging bahagi at nagbigay ng makabuluhan at masayang karanasan sa buhay ko.  Masarap alalahanin ang bawat minuto na inilagi ko sa lugar na ‘yon, matagal na panahon man ang lumipas, mananatili ‘yon bilang isang “astig” na alaala.

High school ako noon, bakasyon, at dahil sa makulit talaga napapayag ko yung ate ko na isama sa kanyang trabaho, community development officer sya nuon at madalas magkwento ng mga tungkol sa trabaho, Isang social worker… espesyal ang trabahong yan para sa akin, sobrang taas ng pagtangi ko, dahil narin siguro sa mga nakikita kong magagandang naitutulong sa mga tao.. sa mga karaniwang tao. Madalas maikwento na mahirap at isang napakalaking hamon ang kanyang trabaho ngunit sa kabila naman non ay talagang masaya at napatunayan ko nga ‘yon sa aking pagsama.

Ang tagal ng byahe, halos buong araw yata kami sa daan, sakay ng dumptruck kasama ang ilan pang community workers. rough road, kaliwa’t kanang bangin, magubat at parang walang katapusang makikipot na daan ang nakikita ko. Pero malamig naman ang hangin at sigurado akong sariwang hangin ‘yon.  May mga pangilan ngilang ibon sa daan at mga hindi karaniwang klase, parang naisip ko agad mag-uwi at gawing pet =) pero may kasama kaming taga DENR kaya malabo yung naisip ko, maliban nalang kung magiging kaibigan ko ang isa sa kanila.  Magubat, ibat-ibang klase ng puno’t halaman na noon ko lang nakita, makukulay at parang masisiglang lahat na malayang gumagalaw sa ihip ng sariwang hangin.

Halos papalubog na ang araw nang dumating kami sa Dueg, isang maliit na komunidad ng mga kapatid nating Aetas.  Ilan lamang sila sa libu-libong katutubo na nawalan ng lugar at tirahan dulot ng pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991.  Sa isang maliit na bahay kami tumuloy. Doon pala tumutuloy ang kapatid ko, isang istraktura ‘yon na nakalaan para sa mga taga DSWD at totoo nga ang kwento n’ya. Walang tv, walang ref, walang kutson ang kama, taragis! wala pa din computer, ayos lang ‘di pa din naman uso ang DOTA noon. Isang simpleng hapunan ang inihanda ng isang kasama doon.  Ang tahimik, malamig, madilim, at dahil narin siguro sa matinding pagod sa byahe nakatulog ako agad.

Ang ganda ng umaga. Maaliwalas.  At sobrang mapayapa sa Dueg. Abala na ang mga tao duon sa kanilang trabaho.  Malaya din ako noon, nagmamasid sa lahat ng bagay, sa mga naglalarong bata, sa mga Aetas.  Malawak ang mga lupain.  Maraming nakatanim na saging at luya.  At iyon ang pinagkakaabalahan at pinagkukunan nila ng ikabubuhay. Isang programa ng ating pamahalaan ang ipinapatupad doon.  May mga gamot, pangunahing pangangailangan, mga delata, sardinas, mga lumang damit ang ipinamimigay sa kanila doon, kapalit ng pagpapaunlad ng kanilang komunidad. Ilan pa sa mga gawain ng mga social workers ang pagtuturo at pagkapapaunawa sa ating mga kapatid na Aetas na sila ay hindi naiiba, na sila ay kabilang sa atin at sa mundong ating ginagalawan. Tinuturuan din silang maghanap-buhay at mabuhay ng simple at maayos para magkaroon ng pagpapahalaga sa sa sarili at sa bawat tulong na ibinibigay ng pamahalaan.  Naroon din ang pagpapahalaga sa kalikasan, sa mga hayop at likas na yaman.  Nangingiti lang tuloy ako nang maalala ko ang mga ibon lalo pa ng makita ko ang isang maliit na unggoy, hindi ko na nga sila pwedeng maiuwi. Unang araw pa lang ay punong-puno na ako ng paghanga, kasiyahan at pag-asa. Ang simple ng buhay nila doon.

Paggising sa umaga, pupunta sa sagingan at taniman ng luya.  Ang mga produktong inani ay hahakutin sa ibaba ng bundok para ibenta sa mga mamamakyaw na naghihintay na sa kanila.  Pagbalik sa hapon ay makikita sa kanilang mukha ang saya at parang nawala ang pagod sa kapalit ng pinaghirapan sa buong araw.  Ganun kasimple, paulit-ulit lamang, walang bisyo, walang away.  Buo ang bawat pamilya. Nakita ko lahat ay masaya.

Limang araw din ang inilagi ko sa Dueg kasama ng mga Aetas.  Nakikain, nakilaro, nakiligo, nakitulog, nakipagkuwentuhan, nakipagtawanan, kahit may pagkakataon na hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi.  Wala akong makitang lungkot, wala silang problema.  Malayang malaya.  Masasaya.  Kuntento sa kung anong meron at kung anong ibinibigay sa kanila.

At di ko namalayan na natapos na naman pala ang isang linggong trabaho ng ate ko, at natapos din ang isang linggong bakasyon ko.  Isang hapunan ulit ang inihanda at sama-sama kaming nagsalu-salo kasama ng mga ilang mga aetas doon.  Bago kumain ay isang ritwal ang kanilang isinagawa para daw sa maayos at ligtas na byahe namin kinabukasan.  Naging masaya din ang huling gabi ko doon kasama ng mga aetas.  Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumayak na kami para hindi kami abutan ng dilim sa pag-uwi.   Masasayang ngiti ang pabaon sa akin ng mga bagong kaibigang aetas.

Sa sandaling panahon na inilagi ko sa lugar na ‘yon, kasama ng mga kapatid na katutubong Aetas, maraming bagay ang aking naisip at natutunan.  Sa isang banda, masarap pa din mabuhay ng simple at hindi kumplikado.  Malayo pa man sila sa sibilisasyon at makabagong mundo, nakita ko naman sa kanila ang saya ng buhay, ang pakikipagkapwa, pagpapahalaga sa kultura, pagngangalaga sa kalikasan at pagkakaroon ng pag-asa sa hinaharap.

Naisip ko na napakaswerte ko pa din, kasi kahit sa simpleng buhay na meron ako ay naranasan ko ang mabuhay sa isang sibilisadong komunidad.   At nagpapasalamat sa lahat ng meron ako. Nakita ko din noon ang pagpapahalaga sa kanila ng ating gobyerno, kasama ng ibang pribadong organisasyon, mga NGOs, kasama ang mga social workers, syempre pa ang kapatid ko.   Bilib ako sa kanilang lahat, sa kanilang tapang at pagbibigay ng oras, nakita ko ang tunay na commitment sa trabaho, sobrang na-aapreciate ko ‘yon, mahirap na masaya at talagang self-fulfilling.

Kamusta na kaya ang Dueg? Kamusta na din kaya ang mga nakasama kong aetas doon.  Nanatili kaya sila sa Dueg matapos ang field work ng kapatid ko?  Minsan naisip kong bumalik sa Dueg.  Simula kasi ng umalis ang kapatid ko at kinailangan nyang lumipat sa ibang lugar para sa ibang misyon, wala na akong nabalitaan tungkol sa mga Aetas doon.  Pero sigurado ako, sa nakita kong magandang sinimulan ng mga social workers doon, kasama ng suporta ng ibang NGOs, naniniwala ako na naipagpatuloy nila ang mabuhay ng maayos at masaya.

Naniniwala pa din ako sa kakayahan ng ating gobyerno, ng mga NGOs, at tayong lahat na mga mamamayang Pilipino  na matulungan at maiangat ang mga katutubo, hindi lang mga Aetas, lahat ng mga katutubo sa bansa, na mawala na ang diskriminasyon.  Aeta, Mangyan, Bagobo, Igorot at marami pang iba, pare-pareho tayong Pilipino, may karapatang mabuhay sa Pilipinas, may karapatan sa lahat ng yaman ng Pilipinas, karapatang mabuhay ng maayos, may pagpapahalaga sa kultura, sa kalikasan at higit sa lahat ay may pagkilala sa ating sarili.

 

 

Maraming salamat sa DMCI Homes at Alta Vista na siyang tumatayong sponsor nang Saranggola Blog Awards.

34 comments to Kamusta na kaya ang Dueg?

  • batangmangyan  says:

    astig ng kwento. sarap makaranas ng ganyan. salamat at nabanggit pa ang mga kapatid na mangyan. ayos na ayos. good luck.

    Bons: haha ang mangyan! aabangan din namin ang kwento mo!! =)

  • yodz  says:

    fulfilling talaga pag nakakatulong sa ibang tao.
    Sarap talaga sumama sa mga community reach-out, really worth the time.
    Totoo yun, marami tayong matututunan sa pamumuhay ng mga kapatid nating Aeta at mangyan – katulad ng pamumuhay ng simple at masaya.

    Bons: salamat pareng yhodz! tagay na!

  • meliza catedral  says:

    wala na talaga ako masabi sa iyo bons sa mga ginagawa mo.ur one of kind at saka sa ate mo.totoo ang mga cnasabi mo lahat dito… masarap sa pakiaramdam na makatulong sa kapwa tao…naranasan ko rin mgpunta sa isang liblib na lugar ng antique. nginterview kmi ng mga aetas about sa community nila dhil sa project nmin nung college.
    sana maraming bon pa tulad mo na iniisip ang kapakanan ng ibang tao.
    the best itong pangentry sa sarangola blog awards.nkkatouch itong story..sana manalo ka bons…

    Bons: maraming salamat mel, kakaiba talaga pakiramdam pag alam mong ang lapit mo lang sa kanila at ganun din sila sayo.. sana maraming bon pa haha ang saya naman nyan! =) salamat po uli!

  • bernardumali  says:

    naalala ko tuloy ang buhay NGO ko way back 5 years ago, nung nakikipamuhay din kami sa mga ayta at iba pang katutubo.
    :)

    Bons: wow naging part kapala ng NGO. astig!! salamat sa pagbuo ng SBA 2010 nagkaroon kami ng pagkakataon na magbahagi ng sariling kwento at karanasan! more power (haha sumisipsip? nagpapalakas para manalo lols)

  • Sa Likod Ng Ulap  says:

    sarap basahin ang karanasan mo, igan bon. gandang kuwento. salamat sa pagbahagi.

    Bons: maraming salamat po!

  • emir  says:

    Yan ang kulturang pilipino…isanasabuhay at pnphalaghan…dhil 2nay n mksaysayan^^,

    Bons: haha ang lalim, tinde!! epekto ba yan ng pagiging OFW? hehe. salamat sa pagdalaw!

  • jason  says:

    wow… pagbalik mo dito sa Pilipinas siguradong isa to sa babalikan mo ano?

    nakakamiss nga.. sigurado ako successful na din yung mga kalaro mong yon tulad mo :)

    Bons: hindi ko masabi jason, wala na kase akong kakilala dun.. =)

  • Sphere  says:

    Oo, masarap tlga sa pakiramdam nakaranas na ko ng ganyan nong nsa kumbento pako kada bakasyon April & May nsa kabundukan kami para magturo sa mga bata at makipagsalamuha sa kanila naranasan ko ang matulog sa lupa na sako ang banig katabi ang buong pamilya at magasawang Aetas na laging busy gabi gabi ahahahahha :-)

    maraming nagkalat na mga suso, may maliit, may malaki, may sinasampay basta iba iba wala silang pakialam…at nakadisplay ang lata ng mga sardinas o balat ng kahit na anumang galing sa syudad…

    Sobrang saya sa pkiramdam na pagkatapos ng 2buwan iiwan mo silang marunong magbilang ng hanggang sampu o higit pa, na marunong na silang magbasa ng A-Aso B-bata etc, na marunong na silang isulat pangalan nila at higit sa lahat ang natutunan mo habang ksama mo sila…

    Bonbon, may iimail ako sayo maya ha…salamat

    Bons: nag kumbento kapala!? =) nagkumbento ka pa ng lagay nayan haha astig sa comment mo! pano kung hindi ka pa nag kumbento baka lagpas pa sa suso ang na icomment mo? wahaha! peace! =) salamat sphere!

  • Pong  says:

    Kumusta na nga kaya sila kuya Bons?
    Makapasyal ka sana pag-uwi mo sa Pinas.

    Masarap sa pakiramdam ang makatulong (maglingkod, makipamuhay, makisalamuha) sa kanila o sa kahit sino pa man.

    Hanga ako sa mga taong ang buhay nila ay dumayo sa mga kababayan nating nasa mga liblib upang magsilbing tulay.

    Be blessed kuay bons!

    Bons: salamat pong! =) i know you’re into it! =) serving God’s people!

  • tacio  says:

    tama. kaya naman talaga natin kung gugustuhin. political power lang ang kailangan. maganda at nakaka-touch ang kwento mo.

    isa rin ako sa mga nagmamalasakit sa mga kapatid nating katutubo. kung tutuusin kase’y sila ang mga tunay na pilipino. sila itong hindi nahaluan ng kulturang dayuhan. sila ang mga tunay na pilipino.

    Bons: salamat tacio!, agree ako dyan na sila ang tunay na pilipino! nasa lahi nila ang ating mga ninuno! ^^

  • duking  says:

    first year hi-school ako ng pumutok ang mt.pinatubo. noon ko lang din nalaman na may mga Aetas pala na nakatago sa bundok na yun at mga bayan na nasa paligid nito. yun din ang panahon na nagka ash-ma ako.yun din ang dahilan kung bakit may layer ng abo ang top soil ng lupa nung nakaraang araw na tinanong ako ng anak ko kung bakit may ibang kulay ang lupa habang naghuhukay ako ng paglilibingan sa namatay na alaga nyang aso.

    ok…balik tayo sa kwento mo.hahaha!

    pre,hanga ako sa mga NGO’s.mga volunteers sila na handang tumulong kapalit ng maliit na allowance at sweldo pag su swertihin.malaki ang impact nila sa komunidad na tinutulungan nila. sana hindi maglaho ang bayanihan spirit na ito sa ating mga pilipino.

    Bons: at maraming nabuong konsepto mula sa mga abo na inilabas ng pinatubo, mga artifacts! ^^ nakakabilib talaga ang dedikasyon ng mga NGO.. sana dumami pa sila! =) salamat tol duks!

  • WP  says:

    Masarap talaga sa pakiramdan ang kahit isang beses ay maranasan natin na tumulong sa ating mga kababayan na walang hinihintay na bayad para sa ating mga serbisyo.

    Bons: tama wp! =) welcome to bonistation!

  • gerlad  says:

    parang gusto ko na ring makapunta dun ah..
    maganda talaga ang simpleng buhay.. walang kumplikasyon.
    salamat sa post mo kuya bon!
    =)

    Bons: salamat engr! =)

  • Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD  says:

    great adventure bon!

    i really admire NGO’s. their kind of service is really one thing that i really appreciate. simple, sincere, silent. they are humble workers yet their presence in an area creates tremendous impact.

    Bons: salamat fr. fiel, naiisip din kita sa entry na ‘to! ung mga adventures mo dyan! ^^ sobrang simple ng buhay!

  • J. Kulisap  says:

    Mas nakakainggit nga ang mga katutubo. Buo ang kultura, tradisyon. Kung may pangarap man, kayang kaya nilang abutin.

    Nagiging sibilisado na rin ang ilang pangkat na katutubo. Ang nakakalungkot lamang, nagagamit sila ng mga ganid nating pulitiko.

    Bons: tama nga po jkul, ang simple ng buhay nila, walang walang luho sa pamumuhay pero nandun ang totoong buklod ng pamilya at pagpapahalaga..

  • machongbutiki  says:

    huwaw, kuya naman!! wala na talo na ata kami! threat!!!
    haha, gusto ko din maexperience un kuya! asan ba ate mo? hahaha
    :)

    Bons: MB, salamat! gusto ko din ang kwento mo! kaya supiortahan din kita don!

  • rico  says:

    wow emersion. nasubukan ko din to dati pero hindi sa mga Aetask undi sa mga mararalitang kapatid natin. Life changing experience iyon na maituturing kasi youre going to live with them for some days.

    In the days na pamamalagi mo dun, mgkakaroon ka ng reflection you’ll appreciate khit ung mga konting bagay na meron ka na wala sa place kng san ka nag emersion.

    nice story.somehow, may hope parin pla sa govt natin khit corrupt na at naghhirp ang bansa.

    thumbs up sa ngsulat at sa mga NGOS who have the heart to help and care.

    Bons: ganun na nga rico.. kakaibang experience talaga at masarap balikan yung mga ganung ala-ala sa kabila ng mga narating mo ngayon sa buhay. ^^ cheers!~

  • jason  says:

    wow supportahan kita dito bonbon malaki laban nito oh nakakaantig pa.. :(

    lam mo naiinggit nga ko sayo kasi may ganyan ganyan ka. ako kase, laking maynila at qc lang. walang probinsyang ganyan T_T

    Bons: haha salamat jason! pede ka padin namang sumali sa NGO. marami dyan sa Manila.. o kaya sumali ka sa grupo nila fr. fiel hihi ^^

  • Istik  says:

    wow winner na po ito.. :P

    Bons: thanks istik! ^^

  • ROSE  says:

    elow po..pwed p bng mkipag link xchange? kung ok lng
    slamt

  • luz  says:

    maraming salamat sa pagpupugay mo sa mga manggagawang panlipunan na tulad ko….Kamusta na nga kaya ang DUEG at ang mga kapatid nating aeta dun..
    Taong 1991, isa ako sa mga reenforcement workers na pinadala ng DSWD sa Tarlac..kami ang kasama ng cummunity ng mga aeta sa ibaba ng bundok habang inihahanda ang kanilang lilipatan sa itaas ng bundok ng dueg. Nakarating din kame dun sa dueg, lakad lang pero of course d kami makasabay sa bilis ng mga aeta sa pag akyat ng bundok. Nakakapagod pero sulit dahil super ganda ng lugar. Masaya din karanasan ko sa isang buwan kasama ng mga kapatid nating aeta…masisipag sila at mga tapat…

    Bons: maraming salamat po at nagkaroon po kayo ng panahon na mabasa ito. =) at masaya po ako na malaman na isa po pala kayong social worker at kasama sa mga taong manggagawa na tumulong sa pagpapaunlad ng kalagayan ng mga aeta sa dueg.. salamat pong muli at mabuhay po kayo! ^^

  • Barry  says:

    long time no visit.

    great post here! :)

  • topexpress  says:

    Hindi matatawaran ang kakaibang feeling pag nakakatulong tyo sa kapwa. Sa mga taong kapos o salat sa kung anong meron tyo. Hindi man tyo sobrang yaman, pero sa bawat pagtulong natin ay katumbas ng yaman ng ating pagkatao at pagmamahal sa kapwa.

    Ganda ng entry mo tol. Goodluck!

    inis, ganda pa ng song!

  • pusang-kalye  says:

    just voted for you Bon— runaway winner ha..see you december.

  • LordCM  says:

    ang sarap ng pakiramdam na may natutulungan kang kababayan lalo ung mga hirap talaga sa buhay, kaya ilang beses ko na ring plinanong magkarion man lang ng outreach program kaso di matuloy-tuloy :D

    Simpleng lugar, simpleng tao, simpleng buhay, yan ang pinapangarap ko :)

  • france  says:

    ka-swerte mo at naranasan mo itong napakahalaga at makabuluhang paglalakbay. salamat at naibahagi mo ito, at mas lalong nakaka inspire na tumulong lalo na sa ating kapwa pilipino!
    mabuhay ka bons isa na namang panalong obrang nagmula sa puso!
    idol ka talaga!

  • pusagandanglahi  says:

    masarap talagang lisanin muna ang lungsod at tumungo sa mga lugar na halos kalimutan na ng lahat… sariwang hangin….kelan pa ba simula ng huli tayong nakalanghap ng sariwang hangin?hmm

    -pusagandanglahi-

  • pusagandanglahi  says:

    ay pano nga po pala kayo naglagay ng music sa page niyo?salamat po..

  • superlolo  says:

    Hayyy ang ganda ng iyong istorya Bons. Kumpleto na sila, simple, at masaya sa buhay mula sa iyong sinabi…

    “Wala akong makitang lungkot, wala silang problema. Malayang malaya. Masasaya. Kuntento sa kung anong meron at kung anong ibinibigay sa kanila.”

    Sana patuloy na maalagaan at di mapabayaan ang ating mga kapatid na Aetas ng gobyerno.

    God Bless!

  • davmel  says:

    Ganda ng paglalahad ng istorya, isang payak na pamumuhay malayo sa kung anong luho…

    Nawa mabigyan sila ng tamang atensyon ng ating gobyerno :D

  • roanne  says:

    this is a one of a kind opportunity para maranasan ang back to basics and macompare and contrast kung gaano ginawang maginhawa ng technology ang buhay ng tao ngayon… ang nakakalungkot lang mas naging kumplikado.

    takot ako sa kanila nuon, esp sa mangyan kasi may buntot daw, tinataguan ko sila tuwing nagbabakayon ako sa probinsya ng tatay ko. pero nung nagkaisip na ko, at nakausap ko mismo ang ilan sa kanila, tinanong ko kung totoo na may buntot sila… ayun… biniro ako… teka lang daw at kukunin nya… hehe. normal na tao rin sila, na ngayon ay pilit na sumasabay sa mabilis na ikot ng mundo.

    goodluck and THANK YOU Bon! =)

  • roanne  says:

    this is a one of a kind opportunity para maranasan ang back to basics and macompare and contrast kung gaano ginawang maginhawa ng technology ang buhay ng tao ngayon… ang nakakalungkot lang mas naging kumplikado.

    takot ako sa kanila nuon, esp sa mangyan kasi may buntot daw, tinataguan ko sila tuwing nagbabakayon ako sa probinsya ng tatay ko. pero nung nagkaisip na ko, at nakausap ko mismo ang ilan sa kanila, tinanong ko kung totoo na may buntot sila… ayun… biniro ako… teka lang daw at kukunin nya… hehe. normal na tao rin sila, na ngayon ay pilit na sumasabay sa mabilis na ikot ng mundo.

    goodluck and THANK YOU Bon! =)

  • jason  says:

    bon?

  • yhen  says:

    alam mo kuya boni, yan cguro ang isang bagay na gusto ko ring maranasan, ang mabuhay sa mundo na hindi ko kinagisnan.

    gusto ko rin kasing maramdaman na sa buhay kahit anjan na lahat ay di pa rin sapat para magkaroon ito ng katuturan dahil minsan mas nagkakaroon ng halaga ang mga bagay sa paligid ligid natin kung pananatilihin natin itong simple at wala ng bahid ng paghahangad o di nasisiyahan.

Leave a reply

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Anti-Spam Quiz: