notiboi's trippin'
Sunday, September 20th, 2009 | Author:

naalala ko pa yung english na kanta na ginawa mo sa typewriter..  ipinasa mo yun sa grupo natin., freshmen palang tayo lahat nun, at nagsisimula palang mabuo at makilala ang mga magiging bagong ka klase at kaibigan..

labing dalawang taon na ang lumipas, tara balikan muna natin..

naalala ko pa nun sa buong klase ikaw ang parang pinakabata, at totoo nga kasi mas lamang pala kami sa ‘yo ng isang taon. pero ganun pa man, hindi yun naging sagabal para mas maging angat ka sa nakararami, sabihin na nating; isa ka sa mga bright na mag aaral nung panahon na yun. isa ako sa naging saksi kung pano mo inaaral ang lahat ng subjects na meron tayo lalo na ang math kasama na ang lahat ng klase ng calculus at kung ano anong equation.

simple ka lang din naman nun. larawan ng karaniwang estudyante. papasok, iiyak (haha joke!), maglalagi sa canteen, sa internet lab or kaya naman sa library. alam ko syempre! dahil sa mga panahong ‘yan.. nanduon din ako. kasama mong tumatawa, nambobola at nangungulit sa ibang mga kakilala at ka klase. at isa sa mga bagay na nagkakasundo tayo ay ang pagiging active sa iba’t ibang org at activities sa loob ng school.

mas naging popular ka pa lalo nung naging member ka ng student council. matalino ka naman talaga at masipag kaya kayang kaya mong pagsabayin ang lahat. kahit may mga pagkakataon nagiging sakitin ka, bat ang dalas mong magkasakit nuon? badtrip na tonsilitis kase hehe. di matatapos ang isang linggo ng hindi ka nagkakasakit lalo na pag malapit na ang exams. alam mo bang kinakabahan kami pag ganun haha. (wala kaming kokopyahan!) isa ka sa  top 5 na nakaka solve ng problems sa integral at differential calculus samantalang kami ay negative ang score haha. may utang  pa. taragis! pero hindi naman lahat ng jackpot ay na sa ‘yo ^^ bleh! kwits kwits lang din tayo. may ibang subjects din naman na lamang kami  tulad halimbawa ng P.E. lols!  ako ang presidente ng  PE Club kaya partida sa lahat ng incentives pagdating dun haha.

pero seryoso, isa ka sa hinahangaan ko sa talino at galing nung nag aaral pa tayo. kung paano mo hina handle ang lahat ng bagay. oo kahit na college na tayo pero madalas kapading umiyak nun. at hindi ko sasabihing natatawa ako .. sa ‘yun ka eh, mababaw ang luha mo at madalas mapaiyak ng mga simpleng salita o gawa ng mga taong naka paligid sayo, yun ang rason kaya tinawag ka din ng tropa na “nubitaaa!”  na para bang palagi dapat nasa tabi mo si doraemon hehe.

sarap alalahanin ng samahan nuon, bawat isa sa atin nagsisimbulo ng iba’t ibang klase ng tao, pero  magkakaiba man, sa huli nagkakasundo sundo parin. ikaw ang pinakabata pero ikaw ang pinaka madiskarte at may pinakamaraming niligawan. .(bwahaha!) kala mo ha! alam ko pa ang mga pangalan nila. ^^ gusto mo i-enumerate at bilangin natin! chos!

makakalimutan ko rin ba na diehard fan ka ng A1 at Westlife. na ilang araw lang ang lumipas ganun narin at fan nadin kami. lakas ng hatak mo. ikaw din ang may kauna unahang cellphone sa barkada. isang araw sinundo ka ng mommy at daddy mo sa school, nun pala bibilhan ka nila ng cellphone pero hindi pa uso ang text nun  at “piltel” pa ang network provider. pag pasok mo kinabuksan angas ng dating haha richkid! pero muntik mo din maiwala yun kasi nalaglag nung pasakay ka sa jeep umuulan at nag aapura ka nun. tangengots buti nakita ko!

sa 5th year hindi tayo naging magka grupo sa thesis dahil kailangan nating mag spread-out sa barakda (leader-leaderan daw tayu mga boys over girls!) haha. sobrang daming suportahan ang naganap, sa mga ginawa natin lahat successful at magaganda ang kinalabasan. namiss ko ang salitang “cheers!”. sa OJT sa baguio sanggang dikit padin tayo, walang patawad magkakasama at buhol buhol ang iisang likaw ng bituka.

eto sigurado tatawa ka, parehas na taon din ng muntik ka ng mag monghe! ^^ hindi ka nga lang pinayagan pa ng supreme court (family mo), at subukan daw munang ma experience mo ang buhay professional..

lumipas ang mga  taon, maraming mga pangyayari at pagbabagong naganap. kasabay ng pag buo at pag tupad ng kanya kanya nating mga pangarap alam ko mas naging mas matalino ka at mas malawak lagpas pa sa tulad ng dati.. 

at sa pagbabalik sa kasalukuyan;  masaya ako at hanggang ngayon astig padin ang samahan natin! kahit hubadero kana at ako eh simpleng artista lang harhar!..  pero eto ang pinakamabigat.. sa mga susunod na araw o buwan, haharapin mona ang totoong landas na dapat ay nuon mo pa sinuong.. ang lugar na kung saan mas magiging kapakipakinabang hindi lang ang talino mo kundi pati na rin ang kakayahang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa bawat taong makakasalamuha mo..

parekoi, hayaan mong makita ko sayo ang isa sa mga pinangarap kong maging….

at alam kong hanggang ngayon ay may kaba ka parin na nararamdaman pero ikaw narin ang nagsabi, ‘yan ang makakapag patahimik at makakapag pa panatag ng loob mo.. at sa araw na magdedesisyon kang sumagot sa KANYA ng oo.. ay araw din ng simula ng pagkakaroon ng totoong kahulugan ng buhay mo..

“His calling is a declaration of love.”

Your response is commitment, friendship, and love manifested in the gift of your own life as a definitive following and as a permanent sharing in his mission and in his consecrations. To make up your mind is to love him with all of your soul and all of your heart in such a way that this love becomes the standard and motive of all your actions.- Pope John Paul II 

***

bloggerjorge will soon permanently leave malaysia  and will return to the philippines to pursue seminary life.