Archive for ◊ August, 2009 ◊

libreng kape
Tuesday, August 25th, 2009 | Author:

sobrang lamig sa office kaya naman mas ok pang magkape sa labas, eto unang gabi ng duty ko na ramadan mode. masarap pag ramadan mababait ang mga tao, tulad ngayon nakalibre ako ng kape! 1riyal din yun (12.50pesos). ayaw ng pabayaran sa akin sabay bati nya ng ramadan kareem na hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin kasi hindi naman ako muslim. pero parang holy greetings yata basta ganun ang mahalaga eh libre ang kape ko ngayun hehe.

ang tahimik sa loob ng ospital para bang kahit anong oras ay mayrong kakalabit sa likod ko tapos sasabihing "huwag kang lilingon" o kaya naman magpapatay- sindi ang mga ilaw na parang mawawalan ng kuryente..  kaya lumabas ako at tumambay sa may ER entrance (uu pasukan ng emergency pag me aksidente o ano pa man) sa labas sa bandang gilid may mga bench na parang  waiting area.habang umiinom ng kape ramdam ko talaga na nasa saudi ako kasi kung anong lamig ang meron sa loob ng ospital ay sya namang todo ng init sa labas.. may mangilan ngilang stars.. wow! madalang ako makakita ng bituin dito at swerte ngayung gabi meron aww! para lang star in a million, pati ang buwan ay visible.. sobrang halaga ng buwan sa mga muslim, sa buwan ibinabase ang simula at pagtatapos ng ramadan, napansin ko uli tuloy yung ambulance na naka park common sa atin ang tatak na red cross pero dito walang palatandaan na ganun.. ang makikita mo lang ay red crescent.. sobrang init padin parang sinasabayan ng hangin ung init ng kapeng hawak ko.. hanggang ngayon may mga pagkakataon padin na hindi ko mapaniwalaan na nasa saudi ako.. dati nadidinig ko lang to sa kwento ng tatay ko at nakikita sa mga pictures na ipinapadala nya. hays sana talaga nag abot at nag kasama kami dito sa saudi, mas marami siguro akong matutunan at malalaman pa..  na miss ko tuloy ng husto ang tatay ko, si mr. bon sr...

more...

Number of View :2369
Category: Kwentong Kuneho  | Tags: , , ,  | 99 Comments
simpleng buhay nuon..
Thursday, August 20th, 2009 | Author:

na aalala mo pa ba?

 

 

 

 

--

bonistation

 

 

Number of View :1980
Category: Kwentong Kuneho  | Tags:  | 75 Comments
bag ko 'to
Thursday, August 13th, 2009 | Author:

na tag ako ni livingstain tungkol dito na nagsimula naman kay machongbutiki. nung una ko to mabasa kay mb, natawa ako kasi para lang artista sa SNN with Boy and Kris at nakita ko to minsan ng mag feature sila ng mga celebrity  ^^ more...

Number of View :1264